07.13: You’re So Vain (You Probably This Post Is About You)

Hindi ko kayang sabihin na kilala kita. Hindi kita kayang husgahan dahil wala ako sa tamang posisyon para gawin yun. Pero kahit hindi kita kilala, tuwing naaalala ko kung papapaano ka naging bahagi ng kwento ko, ang daming sumasagi sa isip ko. Baka nga ngayon na ang tamang panahon para maisulat ang mga ito. Maaaring hindi mo mahahanap kahit kailan ang sinulat kong ito, pero kung yan man ay mangyari, gusto kong malaman mo na paninindigan ko ang bawat salita na nakasulat dito.

We are all living the lives we chose to live.

Ikaw… may tawag sayo. At ang “makapal ang mukha” ay hindi sapat na paglalarawan sayo. Ikaw ang taong mahilig gumawa ng kung ano-anung drama, tapos pag may pumalag – hindi ko ba alam kung paano mo nababaluktot sa napakaliit at napakakitid mong utak – bigla ka nalang bumabaliktad and nagpapalabas na ikaw ang kawawa at ikaw ang inapi.

Hindi ka kawawa – wala ka lang ginawa para baguhin ang sitwasyon mo. Hindi ka inapi – nagpaapi ka. Hindi kasalanan ng mundo na tatanga-tanga ka.

Oo, maaari mong sabihin na hindi ko alam ang pinagdaanan mo. Alam kong iba ang naging buhay mo sa kwento ko. Pero ikaw ay bahagi ng nakaraan. Tinanggap ko yun. Pero wag kang magkamali na subukang makisali sa kasalukuyan.

Aaminin ko, minsan pinapangarap ko na dumating araw na magkita tayo sa hindi inaakalang pagkakataon. Titingnan kita mula ulo hanggang paa… tapos tatawa ako. Tawagin mo ako kung ano ang gusto mong itawag sa akin – maldita, suplada, impakta. Hindi ko naman ipagkakaila. Napakadaming salita ang pwedeng gamitin para lumarawan sa akin, maliban sa isa. Hindi ako api. Hawak ko ang buhay ko. Ginusto ko ang buhay na pinagdaanan ko. Ginawa ko ang mga pagkakamali ko. Wala akong sinisisi kung hindi ang aking sarili.

Gusto kong sabihin na isang araw, mamumulat din ang mga mata mo at matututo ka, pero isa yung malaking kasinungalingan. Hindi ako naniniwalang magbabago ka. Panghabang buhay kang maghahanap ng mga tao na kaya mong paikot-ikutin gamit ng mga kwento mo. Sabagay, malikhain ka nga pala. Yun lang nga, hindi lang larawan ang nililikha mo.

Ibaon na ang kahapon sa nakaraan. Wag nang pangarapin ang isang kinabukasan na hindi kailan man mapapasaiyo. Ako ang kasalukuyan. Akin ang kinabukasan. Walang pwesto na iniliaan, inaalala o inaalagaan para sayo.

Mas matanda ka sa akin, bagamat hindi tayo nagkakalayo sa edad. Dapat mas alam mo to. Dapat sayo nanggagaling ang mga katotohanang ito. Pero hindi naman mangyayari yun, kaya ako na ang nagsasabi.

Awa ng Diyos, hindi na ulit ako magsusulat dahil sayo. Wag nating antayin ang panahon na ako ang may gawin dahil ngayon palang, sinasabi ko, hindi mo magugustuhan ang maaring mangyari.

Ayan, tinagalog ko para maintindihan mo.

Bato-bato sa langit… Kapag pakiramdam mo para sa’yo to… Malamang, tama ka.

*smirk*

 

 

Dark & Twisted…

Enhanced by Zemanta

1 Comment

Filed under Secret Life of Bees, This So-Called Life, World Domination

One response to “07.13: You’re So Vain (You Probably This Post Is About You)

  1. Pingback: 12.13: As Sharp as Broken Glass | Amor Vincit Omnia

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s